Si Percy Jackson ay labing pitong taong gulang na nadiagnosed na may ADHD at dyslexia ngunit may abilidad na magtagal sa ilalim ng tubig sa loob ng mahabang oras. Habang siya ay naglalakbay aral kasama ang ibang kaklase sa isang museo ay inatake siya ng isang Fury na nagmula sa katauhan ni Mrs. Dotts na kanyang guro. Habang ito ay nagaganap ay nakita sila nina Mr. Brunner at Grover.Nalaman ni Mr. Brunner na may nagtatangka sa buhay ng binata.Dahil dito, binigyan si Percy ni Mr. Brunner ng isang bagay na kanyang magagamit bilang sandata sa oras ng panganib. Inutusan ng guro si Grover bilang maging tagapagprotekta ng binata at puntahan si Sally(ina ni Percy) upang ihatid ang binata sa isang ligtas na lugar.

Sa campo ay nakita ni Percy si Mr. Brunner sa anyong kalahating kabayo at tao na kilala sa tawag na Chiron. Sinabi nito na pumunta siya sa Bundok Olympus para patunayan na siya ay inosente. Pero bago ang lahat ay kailangan muna niyang sumailalim sa isang ensayo. Dito nakilala si Annabeth na anak ni Athena ( diyosa ng katalinuhan) at si Luke Castellan na anak naman ni Hermes. Pagkatapos ng matinding pag-eensayo ay nagpakita si Hades sa binata upang ipaalam na hawak nito ang kanyang ina na hindi naman talaga namatay at upang kunin rin ang lightning bolt na sa kanyang pagkakaalam ay nasa binata. Nagpasya ang tatlo pumunta sa underworld upang iligtas ang ina ng binata. Pumunta sila kay Luke upang magtanong kung paano sila makakapunta sa Underworld. Binigyan sila nito ng mapa upang makuha ang tatlong perlas na kanilang gagamitin sa patungo sa nasabing lugar. Bingyan din siya ni Luke ng kalasag at pares ng sapatos na may pakpak.


Ksama ang tatlong perlas ay nagtungo ang tatlo sa Hollywood kung saan matatagpuan ang Underworld. Nang silay makarating dito ay nakita ng binata ang ina at agad na niyakap na naging dahilan upang bitawan ang kanyang kalasag. Mula sa kalasag ay nakita ni Hades ang lightning bolt. Naagaw ito ni Persephone (asawa ni Hades) at ibinigay muli sa binata. Dahil tatlo lamang ang perlas ay nagpasya si Grover na magpaiwan. Nang makarating ana tatlo sa lugar patungo kay Zeus ay biglang dumating si Luke na gusting wasakin ang buong Olympus ngunit nagapi rin ito ng binata.


Ang mga Tao sa Likod Ng Pelikula
Direktor: Chris Columbus
Logan Lerman bilang Percy Jackson kasama sina Brandon T. Jackson,Alexandra Daddario, Jake Abel, Rosario Dawson, Steve Coogan, Uma Thurman, Catherine Kenner, Kevin Mckidel, Sean Dean at Pierce Brosnan.
Ang pelikulang ito ay hinango sa aklat na The Ligthning Thief, ang unang nobela sa Percy Jackson and the Olympians na isinulat ni Rick Riordan.
No comments:
Post a Comment