Popular Posts

Saturday, February 26, 2011

About Me????

Narinig mo naba ang pangalang Shirlyn Perez Fruelda? Kilala n’yo ba ako na lagi n’yong kausap, kabiruan , katawanan at kadaldalan? Ang kaibigan laging maaasahan sa hirap at ginhawa? Kung hindi pa, halina’t lakbayin, alamin, tuklasin at suriin ang anking nakaraan tungo sa magandang kinabukasan.
Ako si Shirlyn Perez Fruelda ay ipinanganak sa Iba, Zambales noog ika-3 na Pebrero taong 1996. Kasalukuyan akong nakatira  sa Barangay San Benito,Alaminos, Laguna kasama ang aking pamilya. Ako ay  pang-apat sa magkakapatid na puro babae nina Elmo  Fruelda at Joneva Perez Fruelda. Ang aking mga kapatid na babae ( mula pinakamataas  pababa) ay sina May Ann ( May 1, 1989), Carine Joy ( May 25, 1990), Genylyn ( October 31, 1991), at Shane Eryhell (October 30, 2006).
Ang sarap maligo sa irigasyon!!!
Sa taong kasalukuyan ay nagdiwang ako ng aking ika-labinglimang taong kaarawan. Sa aking pagkakaalam buhat sa butihing kong ina ay mahigit sampung buwan niya ako pinagbuntis. Ayon pa sa kanya ay nahirapn siyang ipanganak ako at sa kabutihang palad daw ay nailabas niya ako ng maayos. Lumaki ako hanggang dalawang taon sa Zambales. Sa aking pagkakatanda ay nagkaroon ako ng mga kaibigan noong bata pa ako. Kabilang dito sina Bryan at Jamaica na mahilig ipaikot ang buong katawan da duyang sako habang ang kanyang sipon ay ll na. Hilig naming noon ang maligo sa irigasyon kung tawagin. Kasama naming dito sa dati naming tirahan ang aking pinsan na si kuya Juril, ang aking tiya at si lola. Lagi kaming kumakain ng duhat mula sa malaking puno malapit sa aming paliguan. Naaalala ko rin na mahilig kumain ng kulay pink na bubble gum si Bryan kya lagging mapula ang kanyang mga labi. Sabi sa akin ng aking mga kapatid ay naaabutan nila akong natutulog ng nakaupo habang sila ay naglalaro.
Wow! marunong na akong dumapa! Kaso masakit sa dibdib.
Sa  bahay din na ito naganap ang paglisan ni “Mama” para magtrabaho dahil wala pa noong trbaho si “Dade” na nagging dahilan upang lagi akong umiyak. Mbuti na lamang ay laging  nand’yan si
SArap maglaro. Go!go!Kya ko ito.
Dade para sa aming magkakapatid. Tuwing gabi ay lagi niyang nilalagay ang aking kamay sa kanyang tainga na nagiging dahilan upang  tumigil ako sa pag-iyak para matulog. Dito ko rin natutunan ang salitang habol na kung aking bigkasin ay “haboy.”
Nag-eemote ako dahil di nila ako pinapandin. Puro sila daldalan! Hmp!
Ngunit ang mga sandaling ito ay natapos ng kami ay lumipat sa Br gy. San Crispin  sa Laguna. Sa aming paglipat ay hindi namin kasama ang aking Mama  dahil nagtatrabaho pa rin siya noon. Pansamantala muna kaming nakituloy sa aking tiya na kapatid ng aking ama. Haang ako’y naghihintay sa pagdating ni Mama ay naiisip ko an gaming alalgang aso na si Whitey. Iniwan kasi naming ito na may mga bagong tuta. Sayang nga at ‘di naming siya pwedeng dalhin eh! Naisip  ko rin ang dati naming mga kalaro sa araw-araw. Kumusta  na kaya  sila. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi na namin sila nakita.
Nang araw na umuwi si Mama ay marami siyang dala dalang mga laruan para sa akin at talagang magaganda ito. Lagi ko itong nilalaro habang gumagawa ng bahay naming si 
Magkasinlaki kami ng manika ko oh!
Dade. Nang minsan na nagkasakit ako ay pinainom ako ng gamut ngunit pagkalabas ko ng sala ay bigla kong niluwa ang gamut na akala ng aking tiyo at tiya ay ininom ko. Sa ginawa kong ito ay nahuli nila ako at pinainom uli nila ako ng mapait na gamut na iyon. Binantayan nila talaga ako at pinanganga pa para siguraduhing talagang ininum ko na.
            Nang kami’y makalipat na ay masayang masaya ako pagdating sa bagong bahay naming. Ngunit tila aking napansin na wala kaming kapitbahay at wala akong mga batang makakalaro. Nang mga panahong iyon na wala pa kaming kapitbahay ay naglalaro kami ng aking mga kapatid ng 
Smile ako ng smile kahit ngawit na ang panga ko!
bahay bahayan at tinda-tindahan. Ginamit naming noon bilang mga pera ang balat ng flotops at Frutos. Dumating ang araw ng magtayo ng bahay ang isa kong tiya malapit sa amin. Nahihiya pa nga ako noon sa aming mga pinsan pero di nagtagal ay nagging ka-close din namin sila. Dito na ako nagumpidang mag-aralna elamentarya.
            Dumating ang araw na nag-away ang aking tiya na nag-painom sa akin ng gamot at ang aking ama. Wala akong masyadong maintindihan ng mga panahong yaon basta ang alam ko ay hindi na sila nag-iimikan. Bale mga walong ton ako siguro noon ng mangyari ‘yon at hanggang ngayon ay ganito parin aang sisitema ng dalawang magkapatid. Para ‘di na lumawak ang tensiyon sa pagitan nila. Lumipat kami sa silangan sa nasabi pa ring barangay. Dito ay umuupa kami ng   bahay. Hindi nagtagal ay lumipat uli kami sa barangay naming ngayon sa dati naming taniman. Sa barangay na ito ko na pinagpatuloy ang elemntarya at dito na rin ako nagtapos ng may karangalan. Kasalukuyan akon nag-aaral ng sekondarya sa paaralan ng Dizon High.
            Sa ngayon ay  patuloy pa rin ang aming buhay sa nasabing lugar. Ang kaso nga lamang ay naiirita na ako sa aming kapitbahay dahil walang araw na hindi siya nagmumura sa kanyang asawa na kala mo ay lagging hinahangaan sa kanyang ginagawa. Ang totoo pa nga nito ay marami ang galit sa babaing ito sa aming lugar dahil sa kanyang kasamaan ng ugali. Ngayon ay magkagalit sila ng aking mga magulang na nagkataon pang ninang siya ng aking kapatid na bunso. At sa mga panahong ito ay lilipat uli kami ng tirahan kaya ang tawag ko sa aking pamilya ay NPA as in No Permanent Address.
 
What a look! Im Beautiful in this dress. Nakasayaw ko pa ang ultimate crush ko. At sa site na ito ay pinapanood ko siya.

Friday, February 11, 2011

FantaSHIRies

    Before a writer make a title, there a story behind it in order to be complete. So this time, let me tell you how can I developed my blogs name now that I become a writer now. It started here.
        When I was young, I love reading and watching fantasies movies and books. It makes me happy when I do it all the time. And until now, I carry this kind of hobby. Because of this, I always think what if I am the one in that kind of situation that I read, what am I supposed to do? In the times that I do this, I laughed my self that makes people think that I am crazy. Whenever this happened, I just ignored it because what is important is that I am happy. I though this moment, I though why I not to make a blogs name that can reflect to my like and personality.  I want to create a blogs name that can catch the interest of the nation. They will be curious about this kind of title.  And also a blogs name that can give inspiration to those persons who suffer especially in times of poverty in able for them to experience a good and happy life once in a lifetime even if in their dreams only. These ideas gave a hint for what blogs name that I’m going to create. And it results FantaSHIRies that stands for Shirlyn in Fantasy series. Although, not all the contents of this blog was more on fantasy, but there’s some parts that based on reality. This blog can make your dream come true. It can give a chance to make your imagination to become real, because this blog can offer you an article, essay, story, film review and many others. FantaSHIRies can bring your mind into different world and times that may possible or impossible to happen in your life in the present or future time.

Wednesday, February 9, 2011

Si Percy Jackson Sa Magkabilang Mundo

       Sa itaas ng gusali ng emperyong estado ay nagkita ang magkapatid na Zeus at Poseidon kung saan ay pinagbintangan ng una na kinuha ni Percy (anak ni Poseidon sa isang mortal) ang lightning bolt nito. Binidyan ni Zeus ng labing apat na araw ang binata upang iabalik ang nasabing sandata dahil kung hindi ay magkakaroon ng digmaan.
        Si Percy Jackson ay labing pitong taong gulang na nadiagnosed na may ADHD at dyslexia ngunit may abilidad na magtagal sa ilalim ng tubig sa loob ng mahabang oras. Habang siya ay naglalakbay aral kasama ang ibang kaklase sa isang museo ay inatake siya ng isang Fury na nagmula sa katauhan ni Mrs. Dotts na kanyang guro. Habang ito ay nagaganap ay nakita sila nina Mr. Brunner at Grover.Nalaman ni Mr. Brunner na may nagtatangka sa buhay ng binata.Dahil dito, binigyan si Percy ni Mr. Brunner ng isang bagay na kanyang magagamit bilang sandata sa oras ng panganib. Inutusan ng guro si Grover bilang maging tagapagprotekta ng binata at puntahan si Sally(ina ni Percy) upang ihatid ang binata sa isang ligtas na lugar.
Sa kanilang paglalakbay papuntang kampo ay biglang sumugod sa kanila ang isang halimaw na baka na kung tawagin ay minotaur. Sa pagtilapon ng kanilang sasakyan ay hinubad ni Grover ang pang-ibabang damit at ditto ay natuklasan ng binata na ito ay kalahating kambing. Nang makarating sa bukana ng kampo Half-Blood ay pinatay ng halimaw si Sally at pinatay naman ito ng binata sa pamamagitan ng sariling sungay.
Sa campo ay nakita ni Percy si Mr. Brunner sa anyong kalahating kabayo at tao na kilala sa tawag na Chiron. Sinabi nito na pumunta siya sa Bundok Olympus para patunayan na siya ay inosente. Pero bago ang lahat ay kailangan muna niyang sumailalim sa isang ensayo. Dito nakilala si Annabeth na anak ni Athena ( diyosa ng katalinuhan) at si Luke Castellan na anak naman ni Hermes. Pagkatapos ng matinding pag-eensayo ay nagpakita si Hades sa binata upang ipaalam na hawak nito ang kanyang ina na hindi naman talaga namatay at upang kunin rin ang lightning bolt na sa kanyang pagkakaalam ay nasa binata. Nagpasya ang tatlo pumunta sa underworld upang iligtas ang ina ng binata. Pumunta sila kay Luke upang magtanong kung paano sila makakapunta sa Underworld. Binigyan sila nito ng mapa upang makuha ang tatlong perlas na kanilang gagamitin sa patungo sa nasabing lugar. Bingyan din siya ni Luke ng kalasag at pares ng sapatos na may pakpak.
Pumunta sila sa hardin kung saan nila matatagpuan ang unang perlas at dito ay naabutan nila si Medusa na sumubok na patayin sila ngunit hindi ito nagtagumpay at sa halip ay ito ang kanilang napatay. Kinuha nila ang ulo nito para kanilang magamit. Ang ikalawang perlas ay kanilang natagpuan sa Parthenon. Nagtungo sila sa Lotus Casino at dito, silay nakalimot ng limang araw dahil sa pagkain ng lotus.
Ksama ang tatlong perlas ay nagtungo ang tatlo sa Hollywood kung saan matatagpuan ang Underworld. Nang silay makarating dito ay nakita ng binata ang ina at agad na niyakap na naging dahilan upang bitawan ang kanyang kalasag. Mula sa kalasag ay nakita ni Hades ang lightning bolt. Naagaw ito ni Persephone (asawa ni Hades) at ibinigay muli sa binata. Dahil tatlo lamang ang perlas ay nagpasya si Grover na magpaiwan. Nang makarating ana tatlo sa lugar patungo kay Zeus ay biglang dumating si Luke na gusting wasakin ang buong Olympus ngunit nagapi rin ito ng binata.
Nang maibalik ang sandata kay Zeus ay pinayagan nito ang mag-ama na mag-usap ng sarilinan. Bumalik ang binata sa kampo kung saan ay naghihintay si Grover at ang mahilig paring mag-ensayo na si Annabeth. Sa kabilang banda ay umalis na si Sally sa poder ni Gabe at sa kasamaang palad ay naging bato ang lalaki dahil sa pagbubukas ng refrigerator na naglalaman ng ulo ni Medusa.

Ang mga Tao sa Likod Ng Pelikula
Direktor: Chris Columbus
Logan Lerman bilang Percy Jackson kasama sina Brandon T. Jackson,Alexandra Daddario, Jake Abel, Rosario Dawson, Steve Coogan, Uma Thurman, Catherine Kenner, Kevin Mckidel, Sean Dean at Pierce Brosnan.
Ang pelikulang ito ay hinango sa aklat na The Ligthning Thief, ang unang nobela sa Percy Jackson and the Olympians na isinulat ni Rick Riordan.

Tuesday, February 8, 2011

BRAD

Are you fun of using internet? Do you know that by using this thing has responsibility to be connected with? We all know that majority of us in the whole world are all responsible when it comes to all aspects. As far as I concerned, I am one from those persons who give importance in handling responsibilities. As a student like me, I always using the internet site for searching and chatting purposes. By doing these things, I always consider y limitation as a junior student because it is hard when you make such wrong things even if at once.
In the time that I used the internet site, I permanently follow the term “BRAD” (Being Responsible can Avoid you from Danger) that helps me not to make erroneous things such as having violations. This term is already discernible on my mind. For being kindness in following those do and don’ts, I can avoid the violation that may possible to happen.
As a responsible netizen, I always secured my key that I used on chatting and breaching  important account and after linking to my friends in few hours, I always ensured that I logout my account in a proper manner. This kind of way, I consider it into my little practices. The other paradigm of my practices are only clicked the website that is right to my age, lesser the time in using internet, read some information on how to care your site or account in a proper way. In this kind of practices, I can truly declare that I’m belonging to those persons who called a Responsible Netizen.


Sunday, February 6, 2011

Love In To Two



                 "Pag-ibig na mahiwaga, masdan ang ginawa"
Sa kaharian ng Titania magnetica ay matatagpuan ang  isang kaharian na pinamumunuan   ng isang hari na nagngangalang Haring Clypto na ginagalang at tinitingala ng lahat kuhg saan'y kasama ang kanyang asawa na si Reyna Claceia na hinahangan dahil sa taglay na kagandahan. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak. Si Prinsipe Reid ang panganay na nagkamit ng gwapong mukha, makisig na  pangangatawan at matapang. Siya’y sinundan ni Prinsesa Ablia na minana ang kagandahang  mula pa sa ina. Silang dalawa ay kasundong kasundo ng kaharian. Ang pamilyang ito  ay naiiba sa ibang kaharian sapagkat hindi nila tinuturing na mababa ang kanilang nasasakupan kundi isang pamilya.

          Sa paglipas ng mga araw ay nabulabog ang tahimik na kaharian sa paglitaw ng isang halimaw na kampon ng kadiliman. Winasak nito ang lahat na makitang buhay. Kasama ang hari at reyna sa mga nasawi. Nailigtas ni Diwatala  ang magkapatid at ilan pang mga tao. Dinala ang mga ito ng mahikera sa isang ligtas na lugar sa pamamagitan ng mahika nito. Nanlumo ang lahat sa sinapit ng dating maganda at tahimik na kaharian. Kaya isang araw ay naisipan ng prisipe na gumawa ng paraan upang wakasan ang kasamaang ginagawa ng halimaw. Pumunta siya sa mahikera upang humingi ng tulong kung pa’no niya magagawa ito. Sa pag-uusap nila ang mahikera ay napagtanto niya na mahirap ang kanyang gagawin at nalaman din niyang ang lahat ng sumubok nito ay hindi na nakabalik pa. Agad siyang nag-isip at nakabuo na siya ng desisyon, gagawin niya ang tanging solusyon  na makakapuksa sa halimaw.
         
  Pumunta ang Prinsipe sa kapatid na kanyang naabutan na abala sa pamimitas ng magaganda’t  mababangong bulaklak. Nagpaalam siya dito  tungkol  sa kanyang  balak na pag-alis ngunit hindi nito maintindihan ang nais niyang sabihin kaya’t wala siyang nagawa  kundi ipagtapat dito ang napa-usapan nila ang diwata. Ayon dito, kailangan niyang pumunta sa mundong naiiba sa kanila at dito hahanapin ang babaeng kanyang iibigin. Hindi pa daw ito nakakaranas na umibig ayon pa sa mahikera . Kailangan niya itong magawa sa loob ng 60 araw. Bibigyan siya ni Diwatala ng mahika na kanyang magagamit sa nasabing mundo. Kapag natapos ang tinakdang araw na hindi pa niya nagawa ang misyon ay maaaring  hindi na siya makakabalik pa kahit na kailan. Labag man sa kalooban ng  kapatid ay puamayag na ito dahil alam nitong hindi na siya mapipigilan pa nito.
  
Bago ang tinakdang  pag-alis ay nagsanay ang Prisipe sa ilalim ng pagtuturo ng mahikera upang makibagay sa mga taong kanyang makakasalamuha sa ibang mundo. Ang ilan sa mga ito ay kung pa’no magsalita katulad ng mga tao sa  ibang mundo, tamang pananamit at pagkilos at kung anu-ano pa.
         
Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating ang oras ng pag-alis ng binata. Ang lahat ay nag-aabang sa kanyang  pag-alis. Tila mababasa sa mga mata ng mga ito ang mga katagang “ mag-iingat ka at sana’y magtagumpay ka sa iyong nais.” Mabigat man sa kalooban ng Prinsipe ay tumango siya kay Diwatala upang maghudyat na siya’y handa na upang maglakbay. Kumumpas ang kamay ng mahikera  at biglang lumitaw ang isang maliwanag na lagusan. Pinapasok siya nito sa lagusan na maghahatid sa kanya sa kabilang mundo. Bago siya pumasok ay lumapit sa kanya ang kapatid na hindi na napigilang lumuha at yumakap sa kanya ng mahigpit na sinuklian din naman niya. Tinanggal niya ang kamay ng kapatid upang pumasok na sa lagusan.
 
Nakarating ang Prinsipe sa mundong kanyang lalakbayin. Napansin niya na tila nga ibang iba ito sa kinagisnang mundo. Pati ang kanyang pananamit ay nag-iba na rin. Ngunit kanyang naisip kung saan nga ba siya mag-uumpisang maghanap. Naglakad lakad ang binata at siya’y dinala ng kanyang mga paa sa isang puting gate.  Nakita niya na may nakasulat sa itaas nito na pangalang “Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.” Naturan tuloy niya sa sarili na “kakaiba.” Pumasok siya dito upang hanapin ang dalaga sa nag-uumpukan mga kadalagahan. Papalapit na siya sa mga ito ngunit naramdaman niyang wala rito ang kanyang  hinahanap kaya’t nag-iba siya ng direksyon.
 
  Naatasan si Brixen  maghatid ng mga kwaderno ng kanyang mga kaklase sa faculty ng  kayang guro na si Mr. Betrain. Dahil sa pagmamadali ay nabangga siya sa isang lalaking abala sa pagmamasid sa paligid na naging dahilan upang mahulog ang dala-dalahan.  Agad siyang umupo upang pulutin ang mga nahulog na mga gamit at dinaluhan naman siya ng binata upang tumulong   sa pamumulot. Humingi ito ng paumanhin subalit sinabi niya rito na hindi nito kailangang gawin iyon dahil siya naman talaga ang may kasalanan. Pagkatapos pulutin ang mga kwaderno ay agad na umalis  papalayo ang dalaga. Hinabol na lamang ito ng tingin ng binata. Naramdaman ng Prisipe ang kakaibang aura ng dalaga at napagtanto niyang marahil ay ito na ang kanyang hinahanap.
   
Nang maihatid na ng dalaga ang mga kwaderno  ay agad siyang lumabas upang bumalik sa kanyan classroom. Habang naglalakad ay naisip niya ang nakabungguang  lalaki. Nasisiguro niyang gwapo ito. Samantala, balak pa naman sanang kausapin ng binata ang dalaga ngunit napansin niyang nagmamadali ito. Nakita niyang kinausap ito ng isang babae na marahil ay kaibigan nito. Naisip ng Prinsipe na kausapin ang babaeng papalapit sa kanyang kinatatayuan na kausap kanina ng dalaga. Napag-alaman niyang napapabilang ito sa mga kabataang  nagtataglay ng talino’t galing sa pagguhit. Ngunit tila kanyang napansin na hindi pansinin ang taglay nitong kagandahan na kung hindi mo titigan ay hindi mo masasabing maganda ito. Dahil dito, may naisip siyang gawin, kakausapin niya ito bukas na bukas din.

          Maagang nagising ang dalaga kinabukasan. Panibagong araw na naman ito para sa kanya kaya dali-daling nagligpit ng hinigaan at agad na dumiretso sa banyo para maligo. Habang nagkukuskos ng katawan ay naalala niya ang panaginip ng nagdaang gabi. Dito ay isa daw siyang prinsesa sa isang kaharian kasama ang prinsipe na kanyang pinapangarap ngunit naputol ang kanyang pagmumuni-muni ng tawagin siya ng kayang ina dahil may tumatawag daw sa kanyang cellphone. Napilitang magbuhos ang dalaga para matapos ng maligo. Agad niyang dinampot ang bagay na walang tigil sa pagtunog.

Pagdating sa eskwelahan ng dalaga ay agad siyang sinalubong ng binatang si Reid. Nakipagkilala ito sa kanya bilang Reid Samanleje at tinatanong siya kung puwede bang makipagkaibigan at siya’y pumayag sa nais ng estranghero sa hindi masabing dahilan.
Lumipas ang ilang mga lingo at lalong nagging malapitr sa isa’t isa ang dalawa. Tila ba nakakaramdam na sila na kakaiba sa kanilang mga damadamin. Minsan, habang naglalakad papuntang sakayan ang dalaga ay niyaya siya ng binata na kumain sa isang resto kung saan ay may sasabihin daw itong mahalaga sa kanya. Siya ay sumama dito dahil naging  siya sa nais sabihin nito. Pagkarating sa nasabing kainan ay pumuwesto sila sa bandang likuran kung saan madalang ang tao sa dulong bahagi. Um-order muna ang dalawa para kumain. Samantala, nahihiwagaan naman ang dalaga sa ikinikilos ng binata dahil mababanaagan sa mga mata nito ang sari-saring emosyon ngunit hinayan na lamng niya ito. Pagkatapos kumain ay nagsalitang muli ang binata hanggang sa ipagtapat na nito ang lahat sa kanya. Nalaman niya mula rito ang lahat lahat mula sa pinagmulan nito hanggang sa dahilan ng pagpunta nito sa kanilang mundo at sa halip na magalit ay humanga pa siya dito  dahil sa panganib na sinuong nito kahit hindi nito sigurado kung magtatagumpay ito sa nasabing misyon. Dahil sa nakita niyang dedikasyon dito ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan kahit hindi n’ya alam kaung paanong tulong. Bukod pa rito, ay nagtapat din ito ng pag-ibig  kanyang  sinyuklian ng gayon pangungusap din. At dahil sa pag-uusap ng dalawa ay umuwi silang may galak sa puso.
Makalipas ang isang buwan….                                                                                                                 Dumating si Reid sa bahay nina Brixen  upang ipagpaalam ang dalaga sa magulang nito sapagkat   nais niyang isama ang kasintahan sa kaharian. Hindi man niya sinabi ang tunay na  dahilan sa  parents nito ay pumayag ang mga ito dahil nangako siyang aalagaan at poprotektahan niya ito kahit anong mangyari at alam niyang may tiwala ang mga ito sa kanya.
Isang araw bago umalis ang dalawa ay nagkaroon ng masamang pangyayari. Nakarating na sa mundo ng dalaga ang halimaw  na ngayo’y nasa paaralang pinapasukan na dalaga kung saan bihag nito ang kapatid at mahikera. Mabuti na lamang at bakasyon na ng mga panahong iyon dahil kung hindi ay marami ang madadamay sa kasamaan nito.
Pumunta ang dalawa sa  nasabing paaralan kung saan’y nagtago  sila sa likod ng isang napakalaking puno na hindi sila makikita ng halimaw. Napag-usapan ng dalawa na mag-isip ng paraan kung paano nila mapupuksa ang masamang nilalang. Sa kanilang pag-iisip ay kanilang narinig ang tinig na nagmumula sa mahikera na nagsasabi ng ganito: “ Mahal na prinsipe, kailangan n’yo ng mapigil ang kasamaan ng halimaw dahil maaaring makalabas siya sa lugar na ito at kapag nangyari ‘yon ay maraming inosenteng tao ang madadamay sa kanyang kasamaan. Tanging kayo lamang ang makakapigil sa kanya.” Dahil sa sinabi ni Diwatala ay lumabas si Reid ng ‘di man lamang nag-isip kung tama ba ang kanyang ginawa. Pumunta sa harapan ng halimaw dala ang kalasag at espada na ibinigay sa kanya ng amang hari noong siya’y bata pa lamang. Ngunit hindi pa siya nakakabuwelo ay dinampot na siya ng kampon ng kadiliman paitaas kung saan ay kitang kita niya ang kapatid at kasama nito na nakakulong sa Kristal na singsing nito. Nakita ni Brixen ang nangyari sa minamahal kaya’t lumabas na rin siya buhat sa pinagtataguan at mula dito ay sinigawan niya ang halimaw na pagbagsak ni Reid dahil sa pagharap ng halimaw sa kanya. Agad niyang dinaluhan ang binata para siguraduhing ayos lamang ito kahit sa tingin niya ay hindi. Sa kanyang paglapit ay nakatayo na ito at wala man lang bahid ng kahit anong galos. Tinanong niya ito kung ano ang dapat nilang gawin.
Ayon sa binata, ang kanyang naaalala bago siya pumunta dito sa mundong ito  ng dalaga’y sinasabing kailangang mag-ibigan ng wagas ang gaganap ng misyon at ang dalagang nakatalaga niyang hanapin dahil tanging ang babaing iniibig lamang ang kayang makakatulong para mapatay ang halimaw. “Pag-ibig”  ang naisambit ng dalaga na umabot sa pandinig ng prisipe kaya’t napaisip ang binata na tanging pag-ibig lamang ang makakatalo sa halimaw dahil ito ay pinamamumunuan ng kasamaan at galit na hindi nakakaranas ng pagmamahal kung kaya’t gustong wasakin ang lahat ng nabubuhay para manatiling mag-isa sa buhay. At sa pag-uusap ng dalawa ay bigla na lamang silang tumilapon sa punong kanilang pinagtaguan kani-kanina lamang. Nasakatan man ang dalawa ay hindi na nila ito naramdaman pa. Sila’y tumayo kasabay ng pagtaas sa kanilang mga kamay upang pagdikitin. At sa pagdidikit ng mga ito ay bigla na lamang lumiwanag ang kanilang mga palad na ikinasilaw ng halimaw. Mula rito, ay lumabas ang nagliliyab na hugis pusong bagay at ito’y kanilang inihagis sa kanang bahagi ng dibdib ng halimaw na nagging dahilan upang ito;y magliyab at tuluyan ng maglaho kasabay ng pagkakaligtas sa kapatid at mahikera. Nagyakapan ang lahat dahil sa tagumpay na tinamo ng dalawa.
Matapos ang ilang araw buhat sa pagkapanalo ay nagpasiya  Prisipe Reid na manatili muna sa mundo ng iniibig na dalaga matapos masiguradong ayos na ang buong kaharian sa pamumuno pansamantala ng kanyang kapatid kasama si Diwatala. Hihintayin niya si Brixen hanggang sa makatapos ito ng pag-aaral bago niya ito maiuwi sa kanyang kaharian para doon pakasalan. And they live happily ever after.

Friday, February 4, 2011

Kadaldalan, Nagdadala ng Kapahamakan

       Maraming tao ang hind maiwasang magsalita kahit isang minuto man lamang. Pag-usapan ang mga bagay o taong mapapansin at makipagtsismisan. Ngunit alam n’yo ba ang maaaring maidulot ng pagiging madaldal?                                                                                                                      Base sa araw-araw nating pamumuhay ay hindi na natin maiiwasang  ang mga taong tsismosa’t tsismoso na kung magbalita sa iba  may dagdag at bawas na. Sa ganitong kalagayan ay napapasama ang hindi dapat mapasama ta napapabuti naman ang hind dapat mapabuti. Kung hindi nating lilimiing mabuti ang bawat balita sa atin ay mabibigyan natin ito ng maganda at masamang pagkaunawa. Ang magandang pagkaunawa ay magreresulta ng katahimikan at pagkakasundo samantalang kung ang pagkakaintindi ay pangit o masama ay maaaring magdala ng kapahamakan  sa isang ta                                                                                                                            Halimbawa, may kinaiinisan kang tao dahil lagi na lamang itong pansinin samantalang ikaw ay parang wala lang. Dahil dito, naisipan mong siraan siya sa lahat sa kabila ng kagandahan pinakita niya sa’yo kaya’t nag-imbento ka ng mga impormasyong maaari niyang ikasira. Ang mga impormasyon iyong inimbento ay pinagsabi mo sa iba hanggang sa kumalat ito.  Ang taong walang kasalanan sa’yo ay kinamuhian  ng mga taong nag-aakala na totoo ang mga pinagsasabi mo. At dahil sa’yong paninira, ikaw naman ngayon ang nagniningning.
       At ang halimbawang ito ay isa lamang sa maaaring mangyari dahil sa iyong katabilan. Kung hindi magpapadala sa sinsabi ng ibang tao ay hindi ka makakasira ng ibang tao. Kaya’t palaging tandaan na ang pagiging  tsismoso o tsismosa ay walang naidudulot na maganda at sa halip ay pag-aaksaya lamang ng oras ito. At higit sa lahat ay maging maingat sa pagbitaw ng mga katagang bibitawan dahil kahit isang salita ay maaaring makasira at makapurwisyo ibang tao.                                                                                                                                                                


Tuesday, February 1, 2011

What a PLACE!!!

        JS Prom was a series on the life of the high school students in third year and fourth year where you can wear a nice outfit and a chance to be more beautiful and handsome. It is a chance for you to have a dance with your ultimate crush (like me and JR) or your love ones.

        When the time it happens, many students are ready not to sleep and dance with flow of music’s. And of course, the food is ready to serve which is like better by the students. Also our beloved teachers where not lost by their prospective dance number where you can see their weaknesses when it comes to dancing.
In the middle of the night, everybody is ready to party and shake everywhere. But when the sweet love songs fulfilled the area, you will the word “kapit tuko” to the others. You will also see the other guys finding for the ladies asked for the dance. But the other girls are just stayed in their own sits waiting for a gentleman that could asked them to dance, and until the party ends, there’s no man asked them.

          And after the party, the students should clean their areas before going home to have a good sleep while dreaming their prospective dance partner.  


                           MAHALO!