Narinig mo naba ang pangalang
Shirlyn Perez Fruelda? Kilala n’yo ba ako na lagi n’yong kausap, kabiruan ,
katawanan at kadaldalan? Ang kaibigan laging maaasahan sa hirap at ginhawa?
Kung hindi pa, halina’t lakbayin, alamin, tuklasin at suriin ang anking
nakaraan tungo sa magandang kinabukasan.
Ako si Shirlyn Perez Fruelda ay
ipinanganak sa Iba, Zambales noog ika-3 na Pebrero taong 1996. Kasalukuyan
akong nakatira sa Barangay San Benito ,Alaminos,
Laguna kasama ang aking pamilya. Ako ay pang-apat sa magkakapatid na puro babae nina
Elmo Fruelda at Joneva Perez Fruelda.
Ang aking mga kapatid na babae ( mula pinakamataas pababa) ay sina May Ann ( May 1, 1989),
Carine Joy ( May 25, 1990), Genylyn ( October 31, 1991), at Shane Eryhell
(October 30, 2006).
![]() |
Ang sarap maligo sa irigasyon!!! |
Sa taong kasalukuyan ay nagdiwang
ako ng aking ika-labinglimang taong kaarawan. Sa aking pagkakaalam buhat sa
butihing kong ina ay mahigit sampung buwan niya ako pinagbuntis. Ayon pa sa
kanya ay nahirapn siyang ipanganak ako at sa kabutihang palad daw ay nailabas
niya ako ng maayos. Lumaki ako hanggang dalawang taon sa Zambales. Sa aking
pagkakatanda ay nagkaroon ako ng mga kaibigan noong bata pa ako. Kabilang dito
sina Bryan at Jamaica na mahilig ipaikot ang
buong katawan da duyang sako habang ang kanyang sipon ay ll na. Hilig naming
noon ang maligo sa irigasyon kung tawagin. Kasama naming dito sa dati naming
tirahan ang aking pinsan na si kuya Juril, ang aking tiya at si lola. Lagi
kaming kumakain ng duhat mula sa malaking puno malapit sa aming paliguan. Naaalala
ko rin na mahilig kumain ng kulay pink na bubble gum si Bryan kya lagging mapula ang kanyang mga
labi. Sabi sa akin ng aking mga kapatid ay naaabutan nila akong natutulog ng
nakaupo habang sila ay naglalaro.
![]() |
Wow! marunong na akong dumapa! Kaso masakit sa dibdib. |
Sa
bahay din na ito naganap ang paglisan ni “Mama” para magtrabaho dahil
wala pa noong trbaho si “Dade” na nagging dahilan upang lagi akong umiyak.
Mbuti na lamang ay laging nand’yan si
![]() |
SArap maglaro. Go!go!Kya ko ito. |
Dade para sa aming magkakapatid. Tuwing gabi ay lagi niyang nilalagay ang aking
kamay sa kanyang tainga na nagiging dahilan upang tumigil ako sa pag-iyak para matulog. Dito ko
rin natutunan ang salitang habol na kung aking bigkasin ay “haboy.”
![]() |
Nag-eemote ako dahil di nila ako pinapandin. Puro sila daldalan! Hmp! |
Ngunit ang mga sandaling ito ay
natapos ng kami ay lumipat sa Br gy. San Crispin sa Laguna. Sa aming paglipat ay hindi namin
kasama ang aking Mama dahil nagtatrabaho
pa rin siya noon. Pansamantala muna kaming nakituloy sa aking tiya na kapatid
ng aking ama. Haang ako’y naghihintay sa pagdating ni Mama ay naiisip ko an
gaming alalgang aso na si Whitey. Iniwan kasi naming ito na may mga bagong
tuta. Sayang nga at ‘di naming siya pwedeng dalhin eh! Naisip ko rin ang dati naming mga kalaro sa
araw-araw. Kumusta na kaya sila. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi
na namin sila nakita.
Nang araw na umuwi si Mama ay marami
siyang dala dalang mga laruan para sa akin at talagang magaganda ito. Lagi ko
itong nilalaro habang gumagawa ng bahay naming si
![]() |
Magkasinlaki kami ng manika ko oh! |
Dade. Nang minsan na
nagkasakit ako ay pinainom ako ng gamut ngunit pagkalabas ko ng sala ay bigla
kong niluwa ang gamut na akala ng aking tiyo at tiya ay ininom ko. Sa ginawa
kong ito ay nahuli nila ako at pinainom uli nila ako ng mapait na gamut na
iyon. Binantayan nila talaga ako at pinanganga pa para siguraduhing talagang
ininum ko na.
Nang kami’y
makalipat na ay masayang masaya ako pagdating sa bagong bahay naming. Ngunit
tila aking napansin na wala kaming kapitbahay at wala akong mga batang
makakalaro. Nang mga panahong iyon na wala pa kaming kapitbahay ay naglalaro
kami ng aking mga kapatid ng
![]() |
Smile ako ng smile kahit ngawit na ang panga ko! |
bahay bahayan at tinda-tindahan. Ginamit naming
noon bilang mga pera ang balat ng flotops at Frutos. Dumating ang araw ng
magtayo ng bahay ang isa kong tiya malapit sa amin. Nahihiya pa nga ako noon sa
aming mga pinsan pero di nagtagal ay nagging ka-close din namin sila. Dito na
ako nagumpidang mag-aralna elamentarya.
Dumating
ang araw na nag-away ang aking tiya na nag-painom sa akin ng gamot at ang aking
ama. Wala akong masyadong maintindihan ng mga panahong yaon basta ang alam ko
ay hindi na sila nag-iimikan. Bale mga walong ton ako siguro noon ng mangyari
‘yon at hanggang ngayon ay ganito parin aang sisitema ng dalawang magkapatid. Para ‘di na lumawak ang tensiyon sa pagitan nila. Lumipat
kami sa silangan sa nasabi pa ring barangay. Dito ay umuupa kami ng bahay. Hindi nagtagal ay lumipat uli kami sa
barangay naming ngayon sa dati naming taniman. Sa barangay na ito ko na
pinagpatuloy ang elemntarya at dito na rin ako nagtapos ng may karangalan. Kasalukuyan
akon nag-aaral ng sekondarya sa paaralan ng Dizon High.
Sa ngayon
ay patuloy pa rin ang aming buhay sa
nasabing lugar. Ang kaso nga lamang ay naiirita na ako sa aming kapitbahay
dahil walang araw na hindi siya nagmumura sa kanyang asawa na kala mo ay
lagging hinahangaan sa kanyang ginagawa. Ang totoo pa nga nito ay marami ang
galit sa babaing ito sa aming lugar dahil sa kanyang kasamaan ng ugali. Ngayon
ay magkagalit sila ng aking mga magulang na nagkataon pang ninang siya ng aking
kapatid na bunso. At sa mga panahong ito ay lilipat uli kami ng tirahan kaya
ang tawag ko sa aking pamilya ay NPA as in No Permanent Address.
![]() | |||
What a look! Im Beautiful in this dress. Nakasayaw ko pa ang ultimate crush ko. | At sa site na ito ay pinapanood ko siya. |
No comments:
Post a Comment